Binabalak kong bumiyahe kung saan saan. malayo man o malapit, makalimutan muna saglit ang buhay. Malimutan ang mga iniisip. Ayoko munang isipin kasi na wala akong kwenta, o mag isa lang naman ako lagi. gusto ko munang isipin kung saan na ba ako pupunta. wala naman akong mahalagang ginagawa, hindi rin naman pinapahalagahan kung meron man.
Sa sobrang kawalan ko nga ng ginagawa, nagkaron pa ako ng oras mg linis ng bisikleta't magkwento dito.
Kapag magpapalipas naman ng oras sa internet, wala naman akong nakikita kundi mga papuri sa sarili at mga pangarap na hindi naman posible. mga yabang na akala mo may halaga't katuturan. Nalulungkot lang ako na pag dating sa mga gusto ng tao sa isang tao, kapitalista parin.
Ganito kasi yan... Maraming may gusto sa starbucks kesa sa nescafe 3 in 1. Dahil lang mas mahal sa starbucks, may statement na "mas mayaman ako sayo". kung nutrition wise naman, napaka daming ibang pwede . nagdahilan pa.
Ngayon, di porket sikat, mabuting tao na. Mas gusto nila lagi sa sikat o yung hinahangaan ng ibang tao kasi kapag nakuha mo siya, may statement na "mas magaling ako sayo"..
WALA. tang ina. nagloko ang chrome. nawala yung mga kwento ko. pakshet. di ko na masundan. HANGGANG SA MULI NALANG,. kaputanginahan naman ng buhay.