Thursday, May 9, 2013

Walang Tatalo sa FILM





Sa panahon ngayon, uso na ang digital. syempre ! mas tipid yun, mas convenient at mas okay para sa karamihan. isipin mo naman, kung magkakaron kayo ng photoshoot tas gagamit ka ng film, ilang rolls ang bibilin mo ? napaka mahal nun !

Punta tayao sa ibang good side ng digital.

well, of course tipid ka dun. maglalabas ka ng 1000php , makakabili ka na ng 8GB memory card nun (depende sa size kung SD or CF , etc. ) at forever mo na siyang gagamitin. Unlike sa film, hindi mo na mababawi yung mga shots mo, walang delete delete. Which is the 2nd good thing about sa digital, pag napuno ang memory card, delete lang. At pag nagkamali, pwedeng mag delete at subukan ulit yung shot.

Bad Side ng Film ?

Magastos, hindi na mababalikan, marami ! kaya natatabunan na sya ngayon. Madals, hindi na kailangang pag usapan kung bakit hindi na gumagamit ng film ang karamihan ngayon. In my experience, napansin ko na nakakatakot mag load ng film. kasi syempre, parang pera yun eh , pag naexpose yun, para ka na ding nagsayang ng pera.

Pero madami din namang pangit sa digital. Pumasok na tayo sa Balon.

Pag nagkamali ka sa digital, nasa isip mo lagi na "ay ! pwede namang i-delete toh eh.", hindi nawawala un, lagi mo nang hinahabol ang perfection, which is napaka hirap. At meron ding tinatawag na "Chimping", ang pag tingin sa LCD screen pagkatapos ng shot, tinitignan mo kung maganda ba yung kuha mo or ano ba yung dapat mong baguhin. Now, BIG ADVANTAGE yun ng digital pero not every situation. I call it "Insecurity", hindi ka nagtitiwala na nakuha mo yung shot, parang it doesn't show professionalism in some way pero hindi yun yung point dun ah !

Sa film kasi, alam mong hindi ka pwedeng magkamali, isang banat lang at yun na yon . which is a better way in photography in my opinion. kasi mas iniisip mo yung shot, you get connected with the subject. kumbaga ganito yan, "It's either you do your best or you don't do it at all" . madaming kasabihan ang pumapasok sa isip ko na ako lang naman may gawa, tumatanda na yata ako..

Mahal nga ang film, mahal magpadevelop , pero napaka sarap nya. iba parin ang feeling ng film. yung napaka gandang blacks ng film, may details parin kahit  madilim na. kasi , hindi megapixels yun, walang megapixel ang film, kaya kahit gaano kalaki mo iprint ang film, malinaw parin sya . eto naman ang BIG ADVANTAGE ng film.

pag tinignan mo ang mga pictures na galing film, parang andun ka talaga sa pangyayari, parang panaginip pero andun ka mismo ! wala nang edit edit , post processing, kahit wala nang ganun sa film, maganda parin.

Kapag hindi mo nakikita kung ano itsura nung shot mo pagkatapos mong kunin yun, tapos inaantay mong ipadevelop, isa yun sa napaka sarap na feeling sa film. lalo na kapag nakita mo na at nakuha mo yung tamang exposure at composition , walang katulad !

Napaka rami pang magagandang bagay sa film, hindi ko lang mahimay kasi saglit palang ako gumagamit ng film. Pwede na rin nating sabihin na Hindi 100% photography enthusiast ang isang tao kung hindi nya pa nasusubukang mag film. or something like that. Basta parang iba parin ang pusong photography ng taong naksubok at nagmahal ng film kesa sa hindi pa. gets ?

walang tatalo sa film, kahit napaka felxible ng digital, iba parin ang nararamdaman mo sa film. Complicated kasi para sa isang tao na iexplain ang sarap ng film sa isa pang tao. dapat maexperience ng lahat ang film, hindi dahil para lang maintindihan nila yung kwento , kundi para maisapuso talaga nila yung photography.




(nalimutan ko na yung iba kong sasabihin, paumanhin. :) )

No comments:

Post a Comment